Welcome to the jungle!
Click on the boxes on the right to view my blog, or do something good for mankind :)
meet the predator
call me jenie
born on 02/20/83 after my Dad & Mom drank beer and ate balut 9 months before
lives in Singapore, but always a Pinoy at heart
works as an advertising copywriter, but hates proofreading her blog entries
loves true friends, fake DVD's, alternative music, alcohol, sarcasm, boxing, hatha yoga, and House (the TV series,not the music genre)
loathes indifference, power trippers, narcissists, giant egos and bad breath
tries to live by the quote "Postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing." by Anais Nin
reklamadorrrrr
Oras na para magwala. Pinauwi na kami ng alas-4. Malapit na mag-alas sais pero nandito pa rin ako. Bakit?!? Bigla kasing tumambak ang trabahooo. Nakakaburat. Parang wala nang bukas. Sabay-sabay ang utos. Pero okay na, nagawa ko lahat at naabot ang deadline. Pag may humabol pa at nagpagawa, ewan ko na lang. Magra-rally na ko kasama ng mga nasa Ayala.
Nabubuwisit ako sa katotohanang naapektuhan ang mga empleyado dahil sa malaking rally ngayon. Ayoko rin kay Gloria pero ayoko rin mag-rally. Lagi na lang ganun. Pag may ayaw na lider, rally ang solusyon. Anong kabaliwan 'to? 'Wag na lang tayo mag-eleksyon kung ganun. O wag na lang tayo magkaroon ng Presidente para wala tayong sinisisi at binabato kapag naghihirap na ang bansa.
Malamang ngayon puno na ang Ayala at Paseo de Roxas. Nandito pa rin ako sa opisina kasi nakakaburat lang lumabas at masaksihan ang kaguluhan na 'yan. Apektado lahat ng mga negosyo at mga nagtatrabaho. Di kaya mas natutuwa pa ang mga nagsisigawan sa harap ni Ninoy ngayon dahil nagtagumpay sila sa kanilang pakay? Maraming magrereklamong mga korporasyon kapag madalas kailangang magpauwi nang maaga dahil mahirap sumakay at baka magkagulo sa daan. At sa huli, sisisihin nila si GMA dahil hindi pa pagbigyan ang kanilang kahilingan.
Haay naku ang buhay nga naman. Isang taon pa lang si Gloria, ganito na. Ang sakit sa ulo kapag kailangan mong isipin ang nagyayari sa bansa, at isipin kung anong kinabukasan ang naghihintay sa 'yo. Pinipilit mo ngang magtrabaho nang mabuti para umasenso kahit papano, pero parang balewala rin ang lahat ng pagsisikap kapag nagkaleche-leche na ang bansang 'to.
Nakakapagod na. Mas naiintindihan ko na ngayon ang mga umaalis ng bansa para makapag-ipon ng pera at makaiwas sa kaguluhan ng politika. Ano nga kayang kinabukasan ang naghihintay sa henerasyon namin? Makayanan pa kaya naming magtaguyod ng komportableng buhay para sa aming magiging pamilya? Baka dumating ang araw, wala nang gustong magpakasal at mag-asawa dahil sa kakulangan sa pera. Tila mas magkakaroon ng mas magandang kinabukasan sa labas ng bansa ang susunod na henerasyon.
Ah basta bahala na si Batman, uwi na ko.
5:39 PM
Wednesday, July 13, 2005