wonderful pics with T at da devil's doobie den


Happy 1st anniv ulit, Tatoy! :o)
4:21 PM
Friday, February 24, 2006
23rd dooBday pix part 1

super ngiti while waiting at Leslie's then we got too kuripot

after having dinner at Cafe Lupe, Tagaytay

sinusunog ang kulot sa devil's doobie den

the first bangag batch

playing with Gabby's fake fire
2:10 PM
Mt. Pulag, here we come!


Photos and layout by Wes Platon
Mahirap daw at matagal yung climb, but weeeeeee I'm excited!!! :o)
11:45 AM
Thursday, February 23, 2006
13 things on a Monday
1) I’m really sleepy and I’m in non-chalant, terribly deadma mode again.
2) Tagaytay Highlands never fails to amaze me every time.
3) I had a fantastic weekend. Okay that’s an understatement.
4) I thought the money tree my Mom gave me was a doobie plant
5) I want to go boxing badly.
6) I miss painting and I think I’ll get back to that hobby.
7) Jahnniz is leaving for Saudi today but too bad we didn’t see each other.
8) It’s Tatoff and I’s first anniversary today. Huwaw.
9) It’s my first time to celebrate a first anniversary.
10) I can’t believe it’s been a year. Time surely flies. Wink wink.
11) I turned 23 years old today. Thanks to all who greeted.
12) We’re allowed to take the day off when it’s our birthday.
13) I’m at work and I don’t know why. Bow.
3:31 PM
Monday, February 20, 2006
friday na! alleluia!
I am...
- glad that it's Friday because this week has been hectic. The feeling of stress is exhilarating sometimes though.
- so excited! Since my birthday/ our first anniv is caught in a middle of a big pitch, I'll just celebrate this weekend in Tagaytay. Woopee!
I will...
- stop rambling about moving out of the house because there are other things to think about.
- be grateful for what I have. Period.
- take it one day at a time and be patient.
I want...
- to thank Tatoff for being there for me no matter what. And for being my subconscious inspiration despite all the workload and personal issues. Thanks for the love, support and strength.
Advance happy first anniversary! Aylabshyu! Wiiitwwwiiiwww! :-)
4:07 PM
Friday, February 17, 2006
lipat bahay: kabanata 9182784 cancelled
And I'm not happy.
P(@*(&@($& talaga, nagbago na naman ang isip. Nagawan niya ng paraan para hindi kami makaalis ng condo dahil nung isang araw nakwento ko na may nahanap na kong apartment at roommates, pero baka kailanganin ko ang konting tulong nya sa pagbayad ng rent buwan-buwan. Tapos kinabukasan, eto na siya at ayaw nang lumipat. Para kong trumpong paikot-ikot. Nakakabwisit talaga. Isa lang naman ang malinaw na gusto nyang sabihin. Ayaw nya kong mag-rent. Period. May pera ko, pero dahil gusto ko pa rin makaipon, mas praktikal na sumama pa rin ako sa kanya. Pero alam ng buong mundo na college pa lang, gusto ko nang humiwalay ng bahay.
T*!@&*$(#&@*&@ kasing sweldo yan eh, hindi pa talaga sapat. Pero kasya naman kung pipilitin. Ah ewan! Naiinis ako. Sa sobrang inis ko nung sinabi nya yun kahapon habang ka-lunch ko yung kaibigan nya, naibuhos ko pa sa supernumerary na yun yung sama ng loob ko. Salamat naman at naintindihan nya kahit papaano, at hindi ako kinutya.
============
It's hard to live with guilt. It sucks knowing that you're doing something to rid yourself of tantamount guilt someday. Most of the time, I tell myself that I'm staying with my Mom because people will say that I should. She's a widow and I'm the only one she has left. Right. Thanks for the good news. As if losing a father isn't enough. Now I still have to deal with its lifetime repercussions. I must be so lucky. Am I really trapped and there's no way out? I still don't think so.
Most of the people I know would tell me that I shouldn't move out. "Kawawa naman Mom mo." Right. Thanks for the guilt trip. Tell that to me again and I'll stab myself. I'm turning 23 next week and my Mom can still strangle me whenever she wants to, because of insufficient funds. But you know what, I have money and it's really just up to me, and my conscience. F*&(#&%(@^??@! The perils of being the youngest daughter. I want out!!! I refuse to be doomed to eternal dependence on a parent. P*@*^>?@*^#!*^ buhay 'to...
10:31 AM
Wednesday, February 15, 2006
lipat bahay: kabanata 7089314
At sa ika-sampung pagkakataon, lilipat na naman kami ng bahay. Napadesisyunan ng aking butihing ina na bumalik na naman sa bahay sa Laguna dahil hindi na titira don ang kapatid ko at ang pamilya nya. Napa-oo na lang ako dahil ako naman ang nagbigay ng ideyang iyon nung isang buwan. Magmamahal na raw kasi ang bayad sa renta, at dahil wala akong silbi at hindi nagbibigay ng pera buwan-buwan, mas makakatipid na rin na umuwi sa Laguna.
Hindi tulad ko, wala naman kasi siyang sinusunod na oras sa trabaho. Pwede syang pumasok sa ayaw nya at sa gusto. Samantalang ako, kailangan ko na namang tahakin ang landas ng mga FX sa umaga at gabi. Alam nyang mas mahihirapan ako. Buti na lang, hindi ko napigilang itanong ang mahiwagang katanungang...
"Pwede ba kong mag-rent sa Makati kasama ng iba?"
At eto na ang pinakamagandang mga salita na narinig ko mula sa bibig ng aking ina sa loob ng matagal na panahon:
"Sige. Tapos pag weekend umuwi ka na lang kung gusto mo."
Syempre pakipot lang ako at nanahimik pero sa totoo lang, nagdiriwang na ang buong katauhan ko. May kasama naman daw siyang katulong saka titira rin don yung lola ko paminsan-minsan. Alleluia moment talaga. Para kong nakadukot ng $500 sa bulsa. Ang tanong: Saan ako titira at sinong kasama? Ewan ko. Sa totoo lang, hindi ko kayang bayaran ang upa dahil kuripot ako pagdating sa sariling pera. Masaya lang ako at narinig ko ang matatamis na salita na matagal ko nang inaasam-asam.
Lilipat na kami bago sumapit ang aking kaarawan at hinahanda ko na ang sarili sa paggising ng maaga at pag-upo ng halos dalawang oras katabi ng iba. Wala 'kong pera kaya siguro tiis muna. Pero ngayon, nanamnamin ko muna ang sarap ng pakiramdam. Dahil alam ko na sa oras na mawala ang sumpa ng kakuriputan at umiral ang katamaran sa paggising nang maaga, makakalaya na 'ko nang hindi labag sa kalooban niya.
5:35 PM
Thursday, February 09, 2006
nyark

para kay Tatoy na crush si Kris nung Pido Dida days nya :-)
Grabe, para syang sinawsaw sa klorox!
4:15 PM
Tuesday, February 07, 2006
8 pinagtagpi-tagping tuwa
1) For some crazy reason, my Opus Dei mother asked Tatoff and I where we're celebrating our first anniversary. We told her that we're planning to go out of town and stay there overnight. Fortunately, no nasty comments or violent reactions were heard.
2)Puyat ako kagabi, pero masaya. Salamat sa paghihilik, hindi ako nakatulog. Haha. Sinamahan kasi ako ni Tatoff sa condo. Wala si Mama, nasa Tagaytay. Nagpa-alam naman, pero nung umaga na. Better late than never. Boink.
3)After dinner a while ago, my Mom finally told me her sentiments on those 'overnight together' things.
Mader: "Kinakabahan ako kapag nagoovernight kayo. Baka kayo matukso. Alam mo naman ako conservative." (alright.)
Me: Ano ka ba, alam naman namin yung magiging consequences ng mga ginagawa namin noh!
Mader: Parang ang hirap kasi nun eh. Alam mo na. Ako kasi wala kong tiwala sa sarili ko kaya takot ako para sa 'yo.
Me: Eh ikaw pala walang tiwala sa sarili mo eh.
4) Naghahanap kami ngayon ng lugar na matutuluyan pero dahil tagtipid ang buhay (wala pa syang trabaho), ang hirap makahanap. Ang sa 'kin lang, ayokong gumastos masyado kahit na 1st anniversary at birthday ko yung araw na yun. Wala lang, kuripot akong pinanganak lalo na pag pera kong inipon ang pinag-uusapan.
5) I'm glad Mama didn't stop us from going out of town. Well, I didn't ask her permission anyway. I just informed her that we're leaving, and she can't do anything
about it since we're spending for ourselves. Tonight, I realized that with money comes responsibility and freedom. Hence, my money-hungry outlook in life.
6)Kanina lang ulit ako nag-Friendster at nagulat ako sa mga nakita ko. Ang dami nang may anak, may asawa at mag-aasawa. Natutuwa ako para sa kanila dahil mukha silang masaya. Pero natutulala pa rin ako kapag iniisip ko na ako ang nasa sitwasyon nila. Umiikot yung tiyan ko na hindi ko maintindihan. Para kasing ang dami ko pang gawin sa buhay, at kahit hindi ko alam kung ano ang mga yun, wala dun ang pagiging nanay. Wala PA talaga siguro. Hindi ko talaga ma-imagine na titigil ako sa pagtratrabaho para manganak at mag-alaga ng bata. Immature ba tawag dito, o takot lang? Ah ewan basta kinikilabutan talaga ko.
7)In the past few months, Mama has inferred that I'm more mature than my 30-year old brother. You see, he has been hibernating. Ever since his business kinda hit rock bottom because my Mom refused to lend him money for the first time, he fled. He doesn't reply to her texts and hides from her calls. She keeps on asking me why I think he's acting that way, and I keep telling her to leave the proud man alone. He's probably just trying to figure out what to do next so his nagger wife won't leave him when the bank account's empty. How sad, but what can we do? He has determined his destiny and miscalculated the risks. By now, he gets negative points form my Mom and adds them to my scoreboard. I'm on a roll! Haven't been going home drunk, haven't screamed at her, haven't disappointed her in my career because I haven't resigned, haven't done anything stupid that she has discovered. Not yet. I hope my winning streak doesn't end anytime soon.
8) Sa ngayon, ginagawa ko ang lahat para hindi pabigatin ang sarili kong buhay. So far, so good, ika nga. Sana, pagdating ng kinamumuhiang PMS ko sa isang buwan, maayos pa rin ang pananaw ko sa mundo. Steady lang muna. Nakakatamad man magtrabaho at umiinit ang ulo minsan, pero okay lang. Pabayaan na lang. May mga bagay man akong gustong mangyari, pero hindi natutupad, okay lang maghihintay ako. Hindi ako mamimilit habang hindi pa hinog. Hindi ko na rin ilalagay sa kamay ko ang ibang mga bagay. Mas masaya pala ang ganito. Maluwag sa dibdib. Hindi nakakapagod. Ipapasa-Diyos ko na lang ang ibang mga pasanin. Para hindi naman ako mapagod sa kakabuhat sa dalahin ko, at minsan pati ng sa iba. Tama na ang pagpapaka-bayani. Ilapat ang paa sa lupa para hindi laging nadadapa.
10:37 PM
Friday, February 03, 2006
well said, dilbert

Thanks for expressing the sentiments of almost every third world employee :P
2:56 PM
Thursday, February 02, 2006