Welcome to the jungle!
Click on the boxes on the right to view my blog, or do something good for mankind :)
meet the predator
call me jenie
born on 02/20/83 after my Dad & Mom drank beer and ate balut 9 months before
lives in Singapore, but always a Pinoy at heart
works as an advertising copywriter, but hates proofreading her blog entries
loves true friends, fake DVD's, alternative music, alcohol, sarcasm, boxing, hatha yoga, and House (the TV series,not the music genre)
loathes indifference, power trippers, narcissists, giant egos and bad breath
tries to live by the quote "Postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing." by Anais Nin
sukaaaa
Salamat sa Chili soup ng Kusinang Sabaw sa Glorietta, napa-absent ako nang di oras kahapon. Kumain ako don mag-isa nung Lunes nang gabi matapos bumili ng turfs at pagdating ko pa lang sa bahay, naging suki na ko ng lababo at inidoro hanggang madaling araw dahil sa walang humpay na pagduwal ng kamatis at kung anu-ano pa.
Paggising ko, akala ko tapos na ang lahat pero hindi pa pala. Nagsimula na kong magtext ng kinauukulan ukol sa aking kondisyon at tinanggap sa sarili na hindi ko kayang pumasok sa opisina. Hindi natapos ang kalbaryo hanggang tanghali at nagdesisyon na 'kong kumunsulta sa klinika ng kumpanya para makalibre.
Nasa opisina na ko ngayon at awa ng Diyos hindi pa ko nagsusuka. Kahapon pa ko hindi kumakain, at ngayon naman napakaraming bawal kainin. Kalaguyo ko na lang sina Sky Flakes at Gatorade hangga't bumalik sa normal ang sistema ko. Ipinapanalangin kong umayos na ang lahat dahil hindi ako sanay sa ganitong klase ng diyeta.
=======
Salamat sa Nanay ko na ala-una na ng umaga nakauwi kaya't hindi narinig ang aking mga daing, subalit nakabawi naman nung umaga at patuloy na nagsermon tungkol sa pag-inom ko ng alcohol na laging may kinalaman sa kahit anong kaganapan sa aking sikmura.
Salamat kay Tatoff na na dakila, na sa kauna-unahang pagkakataon ay nasubukang mag-alaga ng may sakit, nung kailangan nang umalis na aking ina. Salamat sa pang-unawa at pag-aaruga kahit alam kong puyat ka. Pangakong aalagaan rin kita hanggang sa abot ng aking makakaya. :)
1:25 PM
Wednesday, September 14, 2005