Welcome to the jungle!
Click on the boxes on the right to view my blog, or do something good for mankind :)
meet the predator
call me jenie
born on 02/20/83 after my Dad & Mom drank beer and ate balut 9 months before
lives in Singapore, but always a Pinoy at heart
works as an advertising copywriter, but hates proofreading her blog entries
loves true friends, fake DVD's, alternative music, alcohol, sarcasm, boxing, hatha yoga, and House (the TV series,not the music genre)
loathes indifference, power trippers, narcissists, giant egos and bad breath
tries to live by the quote "Postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing." by Anais Nin
yearend yakkin'
Dahil sa makabagbag-damdaming ad wars ng nagtatagisang telecom, andito pa ako sa opisina ngayon. At hindi ako nagrereklamo dahil halfday naman ako bukas. God-willing.
Pupunta kami sa Antipolo kasama ng mga kabarkada ni Tatoy at ng kanilang mga kabiyak. Sablay nga lang dahil hindi ako nakapagpaalam sa boss ko nang maaga at kanina ko lang sinabi. Buti pinayagan ako. Bow.
Wala na kong masulat. Nahihilo na ko kaka-type at kaka-proofread sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Lahat ng mabasa ko pino-proofread ko na. Kahit mga signage ng talyer at tubero pinapatulan ng mata ko.
Wala na rin akong masabi. Gusto ko lang magsulat para maalala na sa gabing 'to, nag-OT ako nang maluwalhati. Pinakain naman kami ng KFC tsiken at masaya na ko dahil nakakuha ako ng breast part. Paborito ko kasing bahagi ng manok yon.
==============
Onga pala, hindi ko naabutan ang World Pyro Olympics sa balcony namin ngayong gabi. Nasa 36th floor kasi kaya kitang-kita ang napakarikit na fireworks mula sa Manila Bay. Wala kong sinabi kundi, "Wow. Wooowww. Huwaaaawww!!!" Seryoso. Maganda. Pero mas maganda siguro kung medyo bangag ka. Masaya pa ko kasi nung napanood namin nung Lunes, kasama ko si Mama at si Tatoff. Wala lang, isang magandang alaala. =)
=============
Huwaw, susunduin ako ni Mama dito sa opisina. Maraming salamat sa kaibigan nyang Opus Dei na nagsabi sa kanyang delikado magtaxi ngayong Holidays dahil maraming mandurukot at holdaper.
Alis na ko. Baka huling entry ko na 'to sa taong 2005.
2006, here I come!!! Humanda ka!
Happy New Year, folks!
love, jenie
10:22 PM
Wednesday, December 28, 2005