Welcome to the jungle!
Click on the boxes on the right to view my blog, or do something good for mankind :)
meet the predator
call me jenie
born on 02/20/83 after my Dad & Mom drank beer and ate balut 9 months before
lives in Singapore, but always a Pinoy at heart
works as an advertising copywriter, but hates proofreading her blog entries
loves true friends, fake DVD's, alternative music, alcohol, sarcasm, boxing, hatha yoga, and House (the TV series,not the music genre)
loathes indifference, power trippers, narcissists, giant egos and bad breath
tries to live by the quote "Postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing." by Anais Nin
lipat bahay: kabanata 7089314
At sa ika-sampung pagkakataon, lilipat na naman kami ng bahay. Napadesisyunan ng aking butihing ina na bumalik na naman sa bahay sa Laguna dahil hindi na titira don ang kapatid ko at ang pamilya nya. Napa-oo na lang ako dahil ako naman ang nagbigay ng ideyang iyon nung isang buwan. Magmamahal na raw kasi ang bayad sa renta, at dahil wala akong silbi at hindi nagbibigay ng pera buwan-buwan, mas makakatipid na rin na umuwi sa Laguna.
Hindi tulad ko, wala naman kasi siyang sinusunod na oras sa trabaho. Pwede syang pumasok sa ayaw nya at sa gusto. Samantalang ako, kailangan ko na namang tahakin ang landas ng mga FX sa umaga at gabi. Alam nyang mas mahihirapan ako. Buti na lang, hindi ko napigilang itanong ang mahiwagang katanungang...
"Pwede ba kong mag-rent sa Makati kasama ng iba?"
At eto na ang pinakamagandang mga salita na narinig ko mula sa bibig ng aking ina sa loob ng matagal na panahon:
"Sige. Tapos pag weekend umuwi ka na lang kung gusto mo."
Syempre pakipot lang ako at nanahimik pero sa totoo lang, nagdiriwang na ang buong katauhan ko. May kasama naman daw siyang katulong saka titira rin don yung lola ko paminsan-minsan. Alleluia moment talaga. Para kong nakadukot ng $500 sa bulsa. Ang tanong: Saan ako titira at sinong kasama? Ewan ko. Sa totoo lang, hindi ko kayang bayaran ang upa dahil kuripot ako pagdating sa sariling pera. Masaya lang ako at narinig ko ang matatamis na salita na matagal ko nang inaasam-asam.
Lilipat na kami bago sumapit ang aking kaarawan at hinahanda ko na ang sarili sa paggising ng maaga at pag-upo ng halos dalawang oras katabi ng iba. Wala 'kong pera kaya siguro tiis muna. Pero ngayon, nanamnamin ko muna ang sarap ng pakiramdam. Dahil alam ko na sa oras na mawala ang sumpa ng kakuriputan at umiral ang katamaran sa paggising nang maaga, makakalaya na 'ko nang hindi labag sa kalooban niya.
5:35 PM
Thursday, February 09, 2006