Welcome to the jungle!
Click on the boxes on the right to view my blog, or do something good for mankind :)
meet the predator
call me jenie
born on 02/20/83 after my Dad & Mom drank beer and ate balut 9 months before
lives in Singapore, but always a Pinoy at heart
works as an advertising copywriter, but hates proofreading her blog entries
loves true friends, fake DVD's, alternative music, alcohol, sarcasm, boxing, hatha yoga, and House (the TV series,not the music genre)
loathes indifference, power trippers, narcissists, giant egos and bad breath
tries to live by the quote "Postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing." by Anais Nin
biyernes na. alleluia.
Isusulat ko pa lang sana ang isa na namang mareklamong artikulong ito ukol sa aking kumikirot sa sakit na ulo.
Ibubuhos ko na sana ang aking pagkainis dahil sa sangkatutak na name studies na paulit-ulit at mga AE na kung hindi makulit ay magulo pa sa tumpok ng abaka kausap.
Irereklamo ko sana ang aking matinding pagnanasa sa pagtatapos ng araw at ng linggong ito, dahil naisip ko na kahit na gusto ko ng maraming ginagawa, tao lang rin ako at napapagod at nahihilo sa kakaisip at kakagawa ng pangalan para sa kung anu-anong produktong ikayayaman ng iba't-ibang angkan.
At habang dumaraing ako dahil sa kumakalam na sikmurang nangangalabit para malapatan ng masarap na merienda, bigla na lang may sumulpot sa aking harapan. Tila hulog ng langit ang styrofoam ng Delifrance na may lamang kalahating tri-level chicken sandwich! Nanlaki ang aking mga mata at bagamat mukhang inabandona lamang ng isang babaeng nagpapaliit ng baywang, agad kong kinagatan ang sandwich, ipinakagat sa iba, tinanggal ang mangga at basang tinapay, at matapos ng huling lunok at lagok ng malamig na libreng tubig mula sa opisina ay sinabing, "Thank you, God!"
Maraming Salamat talaga dahil Biyernes na.
4:47 PM
Friday, September 15, 2006