Welcome to the jungle!
Click on the boxes on the right to view my blog, or do something good for mankind :)
meet the predator
call me jenie
born on 02/20/83 after my Dad & Mom drank beer and ate balut 9 months before
lives in Singapore, but always a Pinoy at heart
works as an advertising copywriter, but hates proofreading her blog entries
loves true friends, fake DVD's, alternative music, alcohol, sarcasm, boxing, hatha yoga, and House (the TV series,not the music genre)
loathes indifference, power trippers, narcissists, giant egos and bad breath
tries to live by the quote "Postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing." by Anais Nin
babala: magwawala ako.
Galing ako sa opisina. Oo, ngayong araw ng Linggo. Maluwag sa loob kong gagawin 'to kung hindi balahura ang namamahala sa 'min. Nasermunan na naman kami. Hindi daw namin ginawa ang dapat. Ginawa ko 'to kagabi at kaninang umaga noh! Ang totoo nyan, mali ang pinagawa nya sa 'min! Ayaw nya pa aminin sa harap ng big boss. Pero sinabi ko talaga sa harap niya na yun ang sinabi nyang gawin. Leche sya. Kamukha na nga nya si Long Mejia, hindi nya pa gandahan ang ugali nya! Okay alam ko walang konek yun pero bad trip talaga. Makita ko lang mukha nya, nasisira na araw ko.
At eto pa, hindi ako nakapag-simba! Ang tagal kasi ng sermon ng tae, este taong yun. Isang beses nga lang sa isang linggo nakakasimba, tapos ganito pa. At sa lahat ng dahilan, trabaho pa! Trabaho na naman?! Ayoko na! Bwisit na buhay 'to! Wala na kong oras pati sa Diyos ko, dahil sa mga demonyong 'to. Tapos papagalitan ka pa at hindi pa aamin sa mali nya. Tangina talaga. Bakit ba ko pumunta sa bansang 'to?! Tama si Abe. "Fuck green pastures!" Mas mabuti pang walang pera kaysa maubos ang dugo ko sa mga walang kakwenta-kwentang mga tao. O ang mabuti pa, magsimula na kong maghanap ng ibang trabaho. Baka kung ano pang magawa kong masama dito. Sobra na eh. Di dapat hinahayaan mabuhay ang mga ganun tao.
9:18 PM
Sunday, June 24, 2007