Welcome to the jungle!
Click on the boxes on the right to view my blog, or do something good for mankind :)
meet the predator
call me jenie
born on 02/20/83 after my Dad & Mom drank beer and ate balut 9 months before
lives in Singapore, but always a Pinoy at heart
works as an advertising copywriter, but hates proofreading her blog entries
loves true friends, fake DVD's, alternative music, alcohol, sarcasm, boxing, hatha yoga, and House (the TV series,not the music genre)
loathes indifference, power trippers, narcissists, giant egos and bad breath
tries to live by the quote "Postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing." by Anais Nin
dear advertising career,
Matagal na rin tayong magkasama. Halos tatlong taon na. Pero sa tatlong buwan kong nandito, bagamat nagbago ka na at ang pagtanaw ko sa 'yo. Ngayong araw na 'to, naramdaman kong konti na lang, iiwan na kita. Hindi ko alam kung ang kumpanya lang ang sumisira sa pagmamahal ko sa 'yo. Ngunit sigurado ako, hindi ko gustong tularan ang karamihan sa mga tao mo. Pasama na ng pasama ang ugali ko dahil sa kanila. Patindi nang patindi ang poot na nararamdaman ko. Ayokong tumandang mas malaki pa ang ulo at ego, kaysa sa puso ko.
Iniisip ko araw-araw kung gusto ba talaga kitang makasama nang matagal sa buhay ko. May napupusuan akong isang trabaho, pero hindi ko naman alam kung gusto nya rin ako. Hindi ko pa naman sinusubukang manligaw. Pero sigurado ko, hindi ko dapat nararanasan ang ganito mula sa 'yo. Akala ko pa naman, kaya kong tiisin ang lahat ng hirap at kaya kong tanggapin ang mga kahinaan mo.
Pag-iisipan kong mabuti ang desisyong ito. Mahirap iiwan ang nakasanayan mo na. Pero hindi dapat magtiis kung hindi ka na talaga masaya. Pagod na pagod na ko sa 'yo. At walang epekto sa kaligayahan ko ang perang binibigay mo, kung pakiramadam ko naman isa kong trapong inaapak-apakan ng mga alagad mo. Kaya ngayon, cool off muna tayo.
Lubos na napapagod sa 'yo,
jenie
10:58 PM
Thursday, June 07, 2007